Namimiss na kita, alam kong hindi mo alam yun. Kasi wala ka nang pakialam kung ano man yung nararamdaman ko. Hindi na tulad ng dati na ayaw mong nasasaktan ako. Wala eh, alam kong marami akong pagkukulang at mali sayo. I’m sorry. :(
Walang araw na dumadaan na hindi kita iniisip, umaga hanggang gabi gusto kitang itext para kamustahin. Gusto kong tawagin ka ulit na baby at sabihing namimiss na kita sobra at mahal na mahal kita. Pero hindi ko magawa kasi ikaw na nagsabing burahin ko na yung number mo.
Nagbaba ako ng pride ko bumalik ka lang pero rejected ako. Akala ko bibigyan mo ako ng huling pagkakataon para ipakita sayong handa at nagbago na ko. Papatunayan ko naman yun eh, kaso hindi mo sinubukan. Maraming magbabago, kaya kong ipangako na sayo na magiging mabuting girlfriend ako sayo. Eto sana yung mga pagbabago ko para sayo, kung hindi ka bumitaw.
- February 14, sasagutin kita.
- March 14, Graduation Day, special day para sakin. Ipapakilala kita sa parents ko bilang boyfriend ko.
- Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal pagkatapos ng lahat ng sakit ng ulo na binigay ko sayo.
- Lalayo ako sa mga taong pinagseselosan mo, dahil ayokong nasasaktan kita.
- Lahat ng lakad ko sasabihan kita, kasi ayokong nag-aalala ka o magagalit ka sakin.
- Yung lambing na matagal mo nang hinahanap sakin ipaparamdam ko na.
- Hindi na ako makikipagtext kahit kanino, sayo lang.
- Pag nag-aya kang aalis tayo walang pero pero, sasama ko dahil hatid sundo mo naman siguro ko. Hahaha! :))
Pero wala eh, sayang lang pala. Hanggat mahal kita tatanggapin kita kapag bumalik ka. Kung ganun mo pa din ako kamahal. ;)
- I love you forever babyyyyyy. ♥